Sunshine ayaw magdyowa ng bagets: Gusto ko ako ang baby | Bandera

Sunshine ayaw magdyowa ng bagets: Gusto ko ako ang baby

Jun Nardo |December 04,2018
facebook
share this

Sunshine ayaw magdyowa ng bagets: Gusto ko ako ang baby

Jun Nardo - December 04, 2018 - 12:25 AM


IWAS muna si Sunshine Dizon sa pag-entertain ng mga manliligaw. Hindi pa rin kasi annulled until now ang kasal niya sa asawang si Timothy.

“I don’t want to repeat the same thing,” rason ni Sunshine nang makausap ng press after ng media launch ng 2018 MMFF entry na kinabibilangan niya, ang “Rainbow’s Sunset” from Heaven’s Best Entertainment.

“Kasi, parang napaka-unfair, di ba? Ipinaglaban ko ‘yon eh. Parang ibinalik ko rin ang kasalanan na kasal ako, tapos, I would entertain, di ba?

“Pag dumating ‘yon nang hindi mo ini-expect eh di, mag-file ng annulment! Ganoon lang ‘yon! Ha! Ha! Ha! Kung meron ba, choosy ka pa ba na may magmamahal sa ‘yo? Aayaw ka pa!” deklara ng Kapuso actress.

Civil lang sila sa isa’t isa ng kanyang estranged husband. “Hatid sundo siya sa mga bata ngayon,” saad ng akres.

Sa Joel Lamangan filmfest movie, may itinatago siyang batang boyfriend (Albie Casino). So hindi ba siya papatol sa mas bata sa kanyang lalaki o matawag na cougar?

“Ang hirap kasing magsalita, di ba? I’m in a situation na bakit hindi eh may nagmamahal sa ‘yo? But to be honest, ayoko ng bata. Ayoko!” diin ni Shine.

“Gusto ko someone older. Gusto ko sa asawa ko, someone older. Ako naman ‘yung baby, ‘yung totoo. Ayoko na ng kaedad ko.

“Gusto ko namang ma-feel na ako ‘yung reyna, ‘yung prinsesa. He will pamper me. He will take care of me. Ayoko na ‘yung ako ang nagdedesisyon lahat! Sakit ng ulo!” paliwanag ni Sunshine.

Sambit pa niya, “Parang gusto ko naman ‘yung mas older para ma-stimulate ang brain cells ko! Pagod na akong makipag-usap, di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending