Jaya wala na sa ABS-CBN Christmas ID, etsapwera pa sa bagong 'ASAP' | Bandera

Jaya wala na sa ABS-CBN Christmas ID, etsapwera pa sa bagong ‘ASAP’

Julie Bonifacio |December 04,2018
facebook
share this

Jaya wala na sa ABS-CBN Christmas ID, etsapwera pa sa bagong ‘ASAP’

Julie Bonifacio - December 04, 2018 - 12:20 AM


PINUTAKTI ng tanong ang Queen of Soul na si Jaya tungkol sa mga kaibigan niya at kapwa Kapamilya singers sa blogcon ng nalalapit na concert niya with international artist Patti Austin sa The Theater at Solaire on Dec. 6.

Kasalukuyang nasa Amerika si Jaya nu’ng naglabas ng kanilang saloobin si Janno Gibbs sa ‘di niya pagkakasama sa Christmas station ID ng ABS-CBN at si Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa pagkawala sa kanya sa bagong format ng ASAP.

Nag-concert si Jaya with Lani Misalucha sa US at may show din siya for TFC sa Florida, USA. Then, nag-stay pa siya ng ilang weeks to visit her mother in law na nasa hospital for six months.

“Yun nga e, wala pa ako sa Christmas station ID. Lungkot na lungkot ako. Pero ‘yung sa Christmas Special kasama ako,” sabi ni Jaya.

Palagay niya, isasama naman siya sa Christmas station ID ng Dos kahit sa video lang kung ‘di man sila isinama sa recroding ng iba pa niyang kapwa hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa Showtime.

“Napakalaking blessing for me ng TNT bilang nagbigay din ng pangalan sa akin ulit, at ibinabato ako sa iba’t ibang parte ng mundo. Nakagawa ako ng maraming TFC shows and events. Bagong lipat pa lang ako, bagong TNT ako noon, kung saaan-saan na ako lumipad,” kwento ni Jaya.

Tsika pa niya, “Hindi na kami kilala sa pangalan. Hurado na lang. ‘Uy, si Hurado!’ Ganu’n! Ha-hahaha!”
With regards sa bagong format ng ASAP, naniniwala si Jaya na nagkaroon ng bagong followers ang show.

Pero alam daw niya na may mga basher din ang Sunday musical show na sinisisi si Regine sa pagkawala ng ibang singer sa show.

“E, may boss din naman si Regine (Velasquez), e, ‘di ba? Merong mga nagdedesisyon para sa mga program. So, kung ‘yun ang gusto ng bossing for the moment, so be it. I’m sure marami pang changes ‘yan. Alam mo na, maraming talents ang ABS, so, I’m sure marami pa ‘yan na papasok ulit,” ani Jaya.

Natawa naman kami sa sagot niya when we asked her kung may tampo ba siya sa ‘di niya pagkakasama sa bagong format ng ASAP. “Masayang-masaya ako na naglalaba every Sunday. Hahahaha!”

Tungkol kina Janno at Zsa Zsa, idinaan na lang ni Jaya sa biro ang kanyang sagot, “E, bakit sa akin ninyo tinatanong? E, ako nga ‘yung wala! Hahahaha!”

Tama naman siya. Pero siyempre we want to get her reaction bilang mga kaibigan din naman niya ang mga binanggit na singers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Zsa Zsa hindi kami nagkakausap. Pero ‘pag nagge-guest ako noon sa ASAP tsika-galore. Ayoko ring itanong kasi hindi rin business ‘yun. Unless magkukuwento siya. Hindi ko nga rin kasi alam kung ano ang dahilan,” sabi pa ni Jaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending