PBB contestant sa mga bisexual: Kadiri!


BINATIKOS at nilait-lait ng netizens ang contestant sa Pinoy Big Brother Otso na si Sansan Dagumampan matapos sabihing “kadiri” ang mga bisexual.

Napaka-insensitive raw kasi ng naging komento nito laban sa LGBTQ+ community. Kumalat sa social media ang 42-minute video clip na may title na “Star Dreamers Nagkaalitan sa Practice November 29, 2018.”

Ang mga Star Dreamers ay mga aspiring housemates ng PBB Otso na nasa loob ng Camp Star Hunt na matatagpuan sa labas ng PBB house. Naglalaan-laban sila para makakuha ng spot sa PBB.

Mapapanood sa video na nag-uusap ang mga Star Dreamers tungkol sa mga members ng LGBTQ+ community. Ayon kay Sansan, “Sobrang pogi ng lalaki tapos bisexual.”

Komento naman ng isa, “Sayang.” Ang sey naman ng isa pang Dreamer na si Missy then said, “Di naman, kasi kung bisexual, pwede babae.”

Na sinagot naman ni Sansan ng, “Pero kadiri kaya.” Dugtong pa nito, “Kadiri kaya yung pumapatol ka sa babae at sa lalaki.”

Dahil dito, umani ng batikos si Sansan mula sa mga netizens at nilait-lait ang kanyang itsura. Sabi ng isang nakapanood ng video, “Nakakadiri maging bisexual? Yuck mas nakakadiri yung taong papatol pa sa ugali mo yuck, basura!”

Comment pa ng isa, “Mas nakakadiri pumatol sayo girl. Ke bisexual pa or straight. Mas nakakasukang patulan ka. Tang*** naman teh, konting hiya ah? Maka arte ka. Kapatol patol ka? Hahahaha.”

Read more...