Kim Min Suk bibida sa ‘May Reach, May Not Reach’


KOREAN word of the Week: “Gunggeumhae” – nangangahulugan ito ng “I’m curious”. Maaari itong sabihin kapag may nais kang malaman.

q q q

Sa kapapalabas pa lang na KBS drama special na May Reach, May Not Reach, pinakilig ni Kim Min Suk ang K-drama fans as he stars with his first ever lead role.

Nakilala ang aktor sa mga supporting role sa mga hit Korean series like Descendants of the Sun, Doctors, The Beauty Inside at Shut Up Flower Boy Band.

Ang May Reach, May Not Reach ay tungkol sa dalawang athletes na sina Joo Young Joo (Park Yoona) at Kang Sung Chan (Kim Min Suk) and what it took them in reaching their goals.

Hindi lang kasi ito about sa pag-abot ng goal sa sports nilang curling, kundi kung paano nila maaabot ang kanilang goals in love, health and life.

Kasama rin sa serye sina Park Hansol, Jung Wonchang at Woo Kihoon as part of the cur-ling team.

Tunghayan kung paano nabago ng passion ang buhay ng isang athlete at mamangha sa sports na curling with this drama special. Ito ay sa panulat ni Bae Soo-young at sa direksyon ni Hwang Seungki. – Janvin Brua

Read more...