UMAASA si Megastar Sharon Cuneta na mas marami pa ang manonood ng pelikula nilang “Three Words To Forever” kasama sina Richard Gomez at Kathryn Bernardo.
Sa Instagram post ng Star Cinema, umabot daw sa P6.5 million ang kinita ng pelikula sa opening day nito last Nov. 28. Ayon kay Mega, first day pa lang naman daw ito at nataon pa sa “petsa de peligro” ang first day ng movie kaya posibleng wala ng budget ang mga tao para manood ng sine.
Sa panayam ng ABS-CBN, nagpaka-positive si Sharon sa resulta ng pelikula sa takilya, “Hindi kami nagpapanic because it’s not a flop. We’ve had movies like this before. Relax lang kami because it’s a beautiful movie. It has something for everyone and the whole family.”
Ganito rin daw kasi ang nangyari noon sa pelikula nila ni Robin Padilla na “Unexpectedly Yours”, sa mga unang araw nito sa sinehan ay medyo mahina rin pero biglang humanda ang resulta sa box-office matapos mapag-usapan sa social media at purihin ng mga nakapanood na.
Samantala, inamin ni Mega na nakaka-relate siya sa kuwento ng “Three Words To Forever” kung saan gumaganap siya bilang si Cristy, asawa ni Rick (Goma) at nanay ni Tin (Kathryn). Tungkol ito sa mag-asawang maghihiwalay na ngunit nagkunwaring okay pa para sa kanilang anak at sa mga ma-gulang ni Cristy na nagse-celebrate ng kanilang 25th wedding anniversary.
Natanong si Sharon sa isang panayam kung may mga pagkakataon din ba na gusto na niyang iwan ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan, “Many times! Umabot sa kinausap ko na yung mga anak ko. Tapos, sinabi ko sa sarili ko na, ‘I’ll stay here first.’
“Come to think of it, parang yung nangyari sa movie na si Cristy, parang ganu’n din sa amin. Dahan-dahan na nililigawan siya uli si Rick na pasimple. Sinisilbihan niya, pinapakita niya na, ‘mahalin mo ako uli.’ Pero this time, ang nag-effort ay ka-ming dalawa.
Dugtong pa ni Mega, “My husband, every single night kapag maaga siya umuuwi, since the day we got married, he lights the candles and prays outside, siya mag-isa. He has a prayer area. Saka kami, we pray all the time as a family.
“It’s important! We eat together, we’re such a family na we are strong as a family. I realized that, ‘I can’t live without you, you dork!’ We’re like that! We just hug and you know we cried, it’s the same over and over again.
“He says, ‘I prayed for you and I say, ‘I prayed for you, too.’ I was already looking for a real relationship so by the time that he came along, naramdaman ko yun,” pahayag pa ni Sharon.
Napanood ko na ang “Three Words To Forever” at in fairness, ilang beses kaming pinaiyak nina Mega, Kath at Goma at ilang beses din ka-ming pinatawa ni Joross Gamboa.