Hugot ni Daniel: Huminto, tumingin ng mas malalim…tayo ang problema!

DANIEL PADILLA

AGAW-ATENSYON ang hugot post ni Daniel Padilla sa kanyang Instagram account nitong weekend. Matagal-tagal na nagpahinga ang aktor sa social media kaya ilang followers niya ang nagulat sa kanyang mensahe.
Nag-post siya ng kanyang litrato sa IG kung saan may nakasulat na, “STOP” at may caption na, “Huminto. Tumingin ng mas malalim. Tayo ang problema.”
Sunud-sunod ang comments ng kanyang IG followers at marami ang sumang-ayon sa kanyang sinabi. Tama lang daw na ang isang tulad niya ang mag-promote ng social change dahil napakaraming umiidolo sa kanya.
Sey ng isang netizen, “I really appreciate how artists like you have a deep sense of what’s around them…You’re right. It should start in every human being. If you’re planning to start an advocacy for it, I’m for it!”
Sagot naman ni DJ, “Ikalat mo kapatid. Sumama ka na rin sa biyahe ng PAGBABAGO.”

Read more...