Aktres maganda nga pero boba namang umarte | Bandera

Aktres maganda nga pero boba namang umarte

Reggee Bonoan - December 03, 2018 - 12:15 AM

“KUNG may talent ka plus maganda ka pa, maganda rin ang ugali mo at mahusay kang makisama, siguradong magiging mabilis ang pagsikat mo. Pero may tinatawag din kasing suwerte, e.” Yan ang paniwala ng isang TV executive.

“Hindi rin kasi lahat ng may talent at marunong makisama ay mabilis ang pagsikat dahil ‘yung iba ay talagang dumaraan din sa butas ng karayom,” sabi pa ng aming kausap.

Kaya nabanggit ito ng kausap naming TV executive ay dahil may nakipag-usap daw sa kanyang isang magandang aktres at nakiusap na sana’y isama siya sa mga projects nito.

“Umoo naman ako siyempre alangan namang tanggihan ko siya agad. Kaso nu’ng nagkaroon kami ng audition, napapangiwi ‘yung direktor ko. So sinubukan sa ibang karakter baka puwede, pero wala pa rin.

“Panghuli medyo ma-gaan na lang, bestfriend na lang ng isa sa bida para walang masyadong effort sa drama.

“So okay na, pasok na siya, kaso after the audition tinanong niya ang direktor kung anong role niya at sinabi nga na bestfriend ni _____ (pangalan ng bida), mantakin mo ba namang sumagot ng, “Ay hindi po ba ako ang lead?”

“So, ano ang masasabi mo du’n?” tanong sa amin ng TV executive.

Hindi ba alam ni magandang aktres na hindi siya kagalingang umarte para mag-demand siya agad ng lead role?

E, kaya pala hanggang ngayon ay wala talagang bida role na ibinibigay kay magandang aktres maski na ilang taon na siya sa showbiz kasi bukod sa waley ang kanyang acting, waley din ang ugali dahil may attitude pala talaga siya.

In fairness, halos every week ay nagtatanong si magandang aktres sa talent manager niya kung may project na siya. At least, masipag naman pala siyang mag-follow up.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending