ABOUT two weeks ago ay nagsagawa ang isang radio station ng survey sa mga tatakbong senador sa 2019.
Hindi na namin ie-enumerate kung sinu-sino ang mga pasok sa Top 12. We particularly took note of former Senators Bong Revilla and Jinggoy Estrada on the midlist. Magkasunod sila ng ranggo.
Ang nasa 13th spot ay si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.
The inclusion of the three senator-wannabes is clearly sending us a signal na may kinalaman sa katangian natin as people: we possess such a short memory.
Hindi na namin kailangan pang suportahan ang aming argument, let our sense of history constantly remind us of factual proof.
Kunsabagay, survey lang ‘yon conducted by a single media outlet sa panahong malayo pa naman ang araw ng paghuhukom. We’ll spare the two gentlemen for now, si Imee na lang muna ang pag-aaksayahan namin ng espasyo.
With her survey ranking—albeit unofficial, unrecognized and premature—na No. 13 is something that should bother her. Paniguradong it’s not solely about her that makes her way past the list. Ano pa kundi ang kaso ng kanyang pamilya?
Still without closure to their string of cases, ito ang gigising sa sambayanan mula sa bangungot hatid ng mga nakinabang sa dugo’t pawis ng mga Pilipino.
At ako’y…nagpapasalamat. Iningles lang daw namin, o!