Matutuloy sa Canada? | Bandera

Matutuloy sa Canada?

Joseph Greenfield - July 10, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Ramiro ng Lake Sebu,
 South Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Pangarap naming mag-asawa na mag-immigrant sa Canada.  Sinubukan naming mag-apply kahit may trabaho naman kami rito.  Kaya lang, maliit nga ang aming suweldo.
Pero, tinutulungan kami ng pinsan namin, na nalaman naming matagal na palang naninirahan doon at nakabuo na ng pamilya.
Sumasangguni kami sa inyo kung may pag-asa ba kaming matuloy ngayong taon.
Kumpleto naman ang mga papeles namin at requirement for interview na lang ang hinihintay namin.
July 12, 1967 ang birthday ko at September 1, 1975 naman ang misis ko.
Umaasa,
Ramiro ng Lake Sebu, South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapwa may malawak at malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa palad n’yo ng misis mo.
Ibig sabihin, sa takdang panahong ang kapalaran ang naglaan ay maa-aprove din ang aplikasyon n’yo sa Canadian embassy.
Una kang makakaalis at kapag nandon ka na, mga isang taon ang lilipas ay saka mo naman makukuha si misis at ang inyong mga anak upang ang buong pamilya ay tuluyan at ganap ng makapanirahan sa Canada.
Cartomancy:
Queen of  Diamonds, Three of Diamonds at Ace of Diamonds, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing suwerte ka sa iyong misis, at susuwertehin ka rin sa tulong ng babaeng mayaman, na maaaring sa kasalukuyan ay nasa Cananda na.
Malaki ang pag-asa sa last quarter ng taon ito at may paglalakbay na itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending