NAGPALAKPAKAN ang audience sa “marathon” confrontation scene nina Megastar Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo at Ormoc City Mayor Richard Gomez sa premiere night ng “Three Words To Forever” last Tuesday.
Napakahusay kasi nilang tatlo sa kani-kanilang moment. At dito humanga kami sa husay ni Goma kung saan nadala kami sa emosyon at pagluhang ginawa niya sa movie.
Sa cast-party ng “Three Words To Forver” ay nagkaroon kami ng chance na makausap sina Sharon at Richard. Hindi na namin nakita roon si Kathryn. Kwento ni Mega sa amin, ilang araw bago ang showing ng kanilang pelikula last Nov. 28 lang nila kinunan ang confrontation scene nilang tatlo.
Ibinandera rin niya na dito na sa Manila kinunan ang eksena nila sa loob ng kwarto na supposed to be ay nasa bahay nila sa Ormoc. Nu’ng umaga ng araw na ‘yun ay nag-promote pa raw si Mega sa It’s Showtime saka siya dumiretso sa shoot.
Natapos daw sila umaga na the next day kung saan magge-guest naman siya sa concert ni Regine Velasquez. Sa concert na ito ibinigay ni Mega ang kanyang diamond ring kay Songbird.
“Ang akin was ano, ‘yung akin na, hindi naman ako nagbibigay sa hindi ko mahal. Hindi naman madalas ‘yun. Nakaka-third pa lang ‘yun, e, ‘di ba,” pahayag ni Mega.
Ang dalawang naunang binigyan niya ng diamond jewelry ay ang impersonator niya na si Marvin Martinex at si Vice Ganda.
“Pero si Regs talaga, it was our first time to sing together and it’s been my dream as well. Tapos Reginian ako, Sharonian siya. Best friend ko si Ogie (Alcasid). Pero kami ni Regine this year lang naging close.
“Tapos parang feeling ko gift siya ni Lord sa akin and I was looking at my ring and, hindi ko lang alam, na-feel ko lang right there and then sa stage I want her to have something that’s parang part of my heart. Kasi hindi ko lang binili ‘yun, e, pinagawa ko ‘yun,” kwento niya.
“And I wanted to give it to her kasi parang it was not just a piece of jewelry but also a piece of my heart. Kahit cheesy, totoo ‘yun because, parang kahit namatay ako, gusto ko na may hawak siya na tangible na alam niyang tunay ‘yung friendship ko at ang love ko sa kanya,” lahad pa ni Mega.
Naitanong din namin kay Mega kung bakit wala siya sa Christmas station ID ng ABS-CBN, “Sorry, nagsu-shoot kasi kami. Nasa Ormoc kami. Lahat kami ‘yun ang pinag-uusapan namin. We have a film to finish. May deadline kami.”
Samantala, she’s just waiting daw sa susunod na show niya sa ABS-CBN. Makikipag-meeting pa sila sa management. May meeting din daw siya with Viva’s Boss Vic del Rosario.
Pero excited naman niyang ibinalita sa amin na may bago siyang movie na gagawin under Reality Films nina Dondon Monteverde at Erik Matti, “Horror, e. So, we’re shooting in Baguio and starting next week. Wala nang pahinga talaga. Ha-hahaha!”
And then, on Feb. 10 ay may concert siya sa Singapore. In between middle of February and March ay may concert tour siya sa US at Canada.
“And eto pala ‘yung ano, hindi kami makapag-repeat ng 40th anniversary concert ko sa Araneta kasi ipinost nang buo sa YouTube. So, what we’re going to do, there’s a clamor for it, dapat may repeat.
Ipinost nila. Bawas lang ‘yung spiels. So, what we did, hindi pwedeng repeat, ‘di ba? E, 40 years napakarami noon. So, we’re doing Book 2 of my 40 years on January 26, part II,” paliwanag ni Mega.
Hindi lang niya sure kung sa Book 2 ng kanyang 40th anniversary concert ay darating na si Robin Padilla.
q q q
Kontrobersyal at napapanahon ang pagbibida muli ni Shaina Magdayao sa episode ng Maalaala Mo Kaya kagabi, Dec. 1. Nakasama niya rito sina RK Bagatsing, Jana Agoncillo, Belle Mariano, Celine Lim at Yayo Aguila.
Tiyak na marami na naman ang napaiyak sa sinapit ng karakter ni Shaina sa kuwento ng MMK bilang si Sheila.
Hindi alam ni Sheila na may AIDS ang napangasawa niya kung saan natuklasan niya later on na taglay na rin niya. Ang masakit pa nito, pati ang kanilang anak na babae ay nagkaroon din ng AIDS.
Ang episode ng longest and award-winning drama anthology ay idinirek ni Raz dela Torre at sinulat ni Akeem Jordan del Rosario. Habang ang head writer naman ay si Arah Jell Badayos.