EIGHTEEN years old na ang kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na sina Cassy at Mavy sa darating na Jan. 6, 2019.
Kahit nakaugalian nang pambabae lang ang debut pagsapit ng 18 years old eh, mas gusto ni Cassy na sabay sila ni Mavy na mag-celebrate.
Sa interview ng kambal sa gmanetworok.com na inilabas din sa 24 Oras parang Oscars daw ang konsepto ng birthday celebration nila.
“Parang awards night so may red carpet talaga,” pahayag ni Mavy.
Parehong napapanood sa GMA weekend shows na Studio 7 at Sarap Di Ba? sina Mavy at Cassy.
Samantala, inalmahan naman ni Carmina ang lumabas na balita sa social media na magku-quit na siya sa showbiz dahil magtatayo na siya ng sariling skin care company.
“FAKE NEWS!!! This is not true! I am not quitting showbiz. I am not endorsing this product and I don’t own a skin care line.
“I don’t even know if this product exists and I won’t/will not badmouth or belittle other brand just to promote another. SO PLEASE DON’T BELIEVE THIS NEWS,” bahagi ng komento ni Mina na inilabas din ng isang on line entertainment site.
q q q
Non-stop ang panawagan ng AlDub Nation na paabutin sa 1 billion ang tweets nila.
As of presstime, kailangan na lang nila ng almost 4.5 million tweets para ma-achieve nila ang 1 billion target, huh!
Of course, do not underestimate the power of AlDub Nation na day in and day out ay may bagong pa-hashtag at ang sipag-sipag magpa-fiesta sa Twitter, huh!
Eh, kung nakagawa na sila ng record breaking tweets nu’ng kasagsagan ng “Tamang Panahon” at nasama pa sa Guinness Book of World Records, kayang-kaya nilang makuha ang 1 billion tweets, huh!
Go, go, go, AlDub Nation!