Maymay: Nakakaiyak lang isipin na dati ay pinapangarap ko lang lahat ng ito... | Bandera

Maymay: Nakakaiyak lang isipin na dati ay pinapangarap ko lang lahat ng ito…

Ervin Santiago - December 01, 2018 - 12:05 AM


PINUSUAN ng libu-libong MayWard fans ang Instagram post ni Maymay Entrata pagkatapos ng matagumpay niyang pagrampa sa pinag-usapang Arab Fashion Week sa Dubai recently.

Nag-post ang dalaga ng isa niyang photo na kuha naman sa successful concert nila ni Edward Barber sa Dubai at nagpasalamat sa lahat ng mga taong nagtitiwala at sumusuporta sa kanyang career.

Narito ang madamdaming caption ni Maymay sa kanyang IG photo: “ALL THINGS ARE POSSIBLE. #MayWardLiveInDubai!

“Isang napakalaking karangalan at pasasalamat na magbigay saya sa inyo dyan sa Dubai lalo na sa mga OFW’s na talagang nakapag paiyak at nagbigay rason sa kin na ipagpatuloy ang magbigay saya sa mga taong deserve maging masaya.

“Shempre di mangyayari lahat ng yun dahil po sainyo Sir @josh_yugen , Sir @ianborromeo888 , @furneamato Team May&Ed, MAYWARD FAMILY sa pamilya ko (sa pamilya nya hehe), @cntpatricia_ , @nik.gonzales, @lauraanika at sa lahat po ng bumubuo ng Concert na to maraming salamat po dahil sa likod ng lahat ng to kayo ang tunay na nagbibigay kulay sa lahat ng aming nakamit sa buhay. Muling pasasalamat po at MAHAL KO KAYO.”

Nauna rito, nag-post din si Maymay sa kanyang IG ng thank you message after ng dinaluhang international fashion event, aniya, “Let your light shine before others. (Matt. 5:16).’’

“Nakakaiyak lang isipin na dati pinapangarap ko lang ang nararamdaman kong to. Yung pag iniisip mo sya kay hirap na abutin pero minsan pala pag marunong maghintay sa tamang panahon kung para sayo talaga ibibigay sayo.

“Shempre sa likod ng aking natamo pinapasalamatan ko ang Panginoon, mga taong naging dahilan at tulay ng aking tagumpay, Ms. @furneamato.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending