MAS magiging madrama at komplikado ang buhay ng magkapatid na sina Maila (Mikee Quintos) at Natalie (Kate Valdez) sa pagpapatuloy ng kuwento ng GMA primetime series na Onanay.
Na-rescue na ang dalawa mula matapos ang ilang araw na pagka-stranded sa isang isla. Doon, nagkaroon doon ng pagkakataon makapag-bonding ang dalawa ngunit sa pagbabalik nila sa kani-kanilang pamilya ay naghihintay ang mas mabibigat na problema.
Unti-unting nabubulag si Natalie dahil sa kinasangkutang aksidente sa isla. Bigla na lang hindi siya makakita kaya nag-aalala nang todo si Helena (Cherie Gil). In fairness, ang dami-daming pumuri kay Kate sa eksenang bigla na lang nagdilim ang kanyang paligid. Ramdam na ramdam ng manonood ang kanyang takot kung totoong mabubulag na siya.
Mas lalo pa siyang pinalakpakan ng mga viewers nang mag-breakdown na siya dahil sa kanyang kalagayan.
Napapanood pa rin ang family drama na Onanay sa GMA Telebabad after Cain At Abel.