HAYAN na naman. Relihiyon at Diyos na naman ang isiningit sa killer quake sa Haiti (bagaman malayo sa Pinas ay puwede ring mangyari ito sa atin kaya may info drive na ang gobyerno kapag tinamaan tayo ng malakas na lindol).
Nakita ng mga relihiyoso sa Haiti ang kamay ng Diyos nang patagin ang kabisera at libu-libo ang namatay. Ibig daw ng Diyos ng pagbabago. Para sa mga tagasunod ng Voodoo, galit na ang Diyos sa tiwaling “light-skinned elite.”
Sumingit pa ang American evangelist na si Pat Robertson, na nagsabing isinumpa ang Haiti nang makipag-alyansa ang mga alipin sa demonyo para para patalsikin ang mga Pranses. Tinawag ng White House ang pahayag na ito na “estupido.”
Wala pa nga tayo sa makabagong pamumuhay.
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 011810