Dingdong, Dennis best actor para sa mga netizen

DENNIS TRILLO AT DINGDONG DANTES

UMAANI ng papuri ang dalawang Kapuso King na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo mula sa mga televiewers at netizens na tumutok sa naging paghaharap ng mga karakter nila bilang sina Daniel at Elias sa family action drama series na Cain At Abel.

Perfect daw ang dalawang aktor sa mga karakter na kanilang ginagampanan at hindi nagkamali ang GMA sa pagkuha sa kanila para bumida sa Cain At Abel. Kitang-kita raw ang kanilang rapport at pinaiiral ng mga ito ang kanilang pagtutulungan para ma-execute ng mahusay ang kanilang mga eksena.

Sa katunayan, isang fan nga rin ang nagsabing baka mahirapan ang award-giving bodies sa pagpili kung sino kina Dingdong at Dennis ang pananalunin nila bilang best actor sa susunod na award season sa telebisyon.

Dagdag pa ng mga netizens, what more kapag mas intense scenes na ang mapapanood sa mga eksena nina Dingdong at Dennis sa nasabing primetime series ng GMA, baka mag-tie na lang sila sa award dahil siguradong walang itulak-kabigin sa galing ng mga hari.

Ayon kina Dennis at Dong, marami pa silang pasabog sa mga susunod na episode lalo na kapag nagsimula na ang big twist sa kuwento ng kanilang pagiging magkapatid.

Napapanood pa rin ang Cain At Abel sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras. Kasama rin dito sina Solenn Heussaff, Sanya Lopez, Eddie Gutierrez at marami pang iba.

Read more...