Kasalang Jake Zyrus-Shyre Aquino wala nang urungan

JAKE ZYRUS AT SHYRE AQUINO

Tuloy ang kasal ni Jake Zyrus sa kanyang “girlfriend.” Inihayag ito ng singer nang dumalo sa press launch ng biggest charity music festival na “FrontRow Cares” mula sa FrontRow multi-level marketing business nina RS Francisco at Sam Versoza.

Sa kabila ng mga negative comments sa engagement nila ni Shyre Aquino walang balak umurong si Jake sa pinaplano nilang wedding. Ang mahalaga raw ay mahal nila ang isa’t isa kaya dedma na lang sa mga nega.

Isa si Jake sa bigating performers ng charity event na mapapanood sa Dec. 16 sa SM Mall of Asia Concert Grounds. Ilan sa makakasama niya ay sina Ely Buendia, Parokya ni Edgar, Billy Crawford, Gloc 9 at marami pang iba.

Ayon kay RS, time to give back sa mga taong gusto nilang tulungan bilang pasasalamat sa tagumpay ng business venture nila.

“We want to extend our mission to people outside Frontrow who might want to give more, to inspired more!” pahayag ni RS sa paglunsad ng “Frontrow Cares.”

Read more...