Maine swerte sa negosyo, may bagong branch ng ineendorsong food chain

MAINE MENDOZA

TAHIMIK na pinalalawak ni Maine Mendoza ang kanyang food chain business. Aba, after mamayagpag ang una nitong branch sa Sta. Clara, Bulacan ay kumuha na agad siya ng bagong franchise.

Ibinisto ng ilang fans ni Meng na may bago na naman siyang branch ng food chain sa bandang Pulo ng Buhangin sa Sta. Maria, Bulacan din at malapit sa bahay nila. Bukod pa ito sa ipinagagawa niyang bahay, huh!

Samantala, isa ang Phenomenal Star sa maagang bumati sa birthday kahapon ng Eat Bulaga Dabarkads na si Paolo Ballesteros na balitang masayang-masaya ngayon sa kanyang bagong boyfriend na si Kenneth Gabriel Concepcion.

Read more...