Nag-viral na naman ang afternoon series ng GMA 7 na Ika-5 Utos dahil sa nakakalokang confrontation scene nina Tonton Gutierrez at Valerie Concepcion sa nakaraang episode.
Sa umeereng kuwento ng panghapong teleserye ng Kapuso Network, pilit pa ring ginugulo ni Clarisse (Valerie) ang relasyon nina Eloisa (Jean Garcia) at Emil (Tonton) sa kagustuhang magkabalikan sila ng dating asawa.
Ngunit si Eloisa na ang pinili ni Emil at buntis na rin ito sa kanilang panganay na anak pero hindi basta-basta magpapatalo si Clarisse kaya hinagawa niya ang lahat para masira ang pagsasama ng kanyang ex-husband at dating BFF.
Sa nakaraang episode ng Ika-5 Utos, ipinalabas ang eksena kung saan muling pumunta si Clarisse sa bahay ni Emil at dire-diretsong umupo sa office chair ng dating asawa.
Galit na galit naman si Emil nang makita muli ang ex-wife, kaya agad niya itong pinalayas, “Get out of my house and get out my life kung ayaw mong ipakulong kita!”
Pero nagmatigas si Clarisse at parang nang-aasar pang nag-dialogue ng, “I’m still your wife, kaya hindi mo pwedeng gawin ‘yun.” Na sinagot naman ni Emil ng, “Mamili ka: aalis ka o sisipain kita palabas ng bahay na ito?”
Nang-iinis namang sagot ng dating asawa, “You can’t do that to me.”
Dito na nag-init nang bonggang-bongga si Emil kaya hinawakan nito ang inuupuan ni Clarisse at saka sinipa palabas ng bahay.
Ipinost ng isang netizen (Lee Rafael) ang video clip ng nasabing eksena sa kayang Facebook at nilagyan ng caption na, “AALIS KA O SISIPAIN KITA PALABAS (laughing emoji).” Mabilis itong kumalat sa social media at habang sinusulat namin ang balitang ito, nakakuha na ng mahigit 33,000 reactions, 764,000 views at 25,000 ang nasabing video.