Maymay, Edward may ‘golden rule’ kapag lowbat na sa pagtatrabaho

MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER

MAY sarili palang pinaiiral na “golden rule” ang magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Inamin ng tambalang MayWard na hindi naman daw sila laging nasa “energy level” kapag nagtatrabaho dahil tao lang din sila na napapagod at nai-stress.

Kaya naman nagkaroon sila ng agreement para kahit “lowbatt” na sila ay magagawa pa rin nila ng tama ang kanilang trabaho.

“May rule kami sa isa’t isa, eh. Kumbaga ‘yung energy ng isa, dapat yung isa mas energetic. Kahit hindi totoo, dapat yung OA na energy dapat. Salu-saluhan lang,” ang pahayag ni Edward sa isang panayam ng ABS-CBN.

Epektib naman daw ang strategy nilang ito sabi ni Maymay, “Kasi kung kaming dalawa pareho mababa na energy, wala na. Talo. So, kahit may problema ganun. Tapos pag okay na, siya naman yung dapat maging okay. Hindi puwede na kaming dalawa ganun pareho ng sabay.”

Samantala, wish din ng MayWard na makabalik sa PBB house ngayong bukas na uli ang Bahay ni Kuya, sabi ni Edward sa isang interview,“I don’t really know what’s going on but I’ve been asking PBB if Maymay and I could come back since our season ended. I’m so excited to go back. I am not 100% sure yet what is going to happen and even if I did know I couldn’t say. Basta ang masasabi ko lang excited na excited ako.”

Chika pa ng binata, “It’s just that feeling of being a housemate, doing the challenges. Anything is possible as a housemate. Everything you think is not possible, anything you think is impossible, the Bahay ni Kuya has a way of changing that.

“Akala ko dati hindi ko makikilala si Liza Soberano. Nakita ko siya sa loob ng bahay tapos si Maymay nakita si Enrique Gil. Every dream that you could have can come true inside PBB. So excited na ako para sa mga bagong housemates,” aniya pa.

Nang matanong kung ano ang pinaka-challenging task na na-experience niya sa loob ng PBB house,

“Yung pinakamalaking pagsubok sa loob ng bahay ay yung mag-stay lang, manatili lang sa bahay. Kasi minsan pag walang task, walang challenge, nababaliw ka minsan. Kaya dapat nandu’n mga kaibigan mo.

“Hindi mo kaya manalo ng PBB na wala kang kaibigan. Kasi yung housemates, sila yung pamilya mo. Kasi if you’re not social, mahihirapan ka. Nahirapan ako nun kasi hindi ako marunong mag-Tagalog. Pero yung ibang housemates sobrang accommodating,” ani Edward.

Read more...