Jose Mari Chan nasabik makipagchikahan sa press

JOSE MARI CHAN

TUWANG-TUWA kami sa pagiging karakter ni Jose Mari Chan nang humarap sa members ng entertainment media para sa promo ng kanyang “Going Home To Christmas” concert.

Talagang sabik na sabik siya sa pakikipagchikahan sa mga reporter at kahit nga tapos na ang presscon ay patuloy pa rin siyang nagtatanong kung may mga questions pa ang mga present sa mediacon.

Siya nga raw ang male version ni Megastar Sharon Cuneta dahil kahit isang tanong lang ang ibato mo sa kanya ay kilo-kilometro ang isasagot niya. Ha-hahahaha! At nakakatuwa rin ang kanyang mga side comment dahil talagang naikokonek niya ito sa kuwento ng kanyang mga kanta.

Taong 1965 pa nagsimula sa music industry ang OPM icon, pero noong mid-80s lang siya sumikat nang husto nang bumalik sa Pilipinas mula sa halos 15 taong paninirahan sa Amerika, kasama ang pamilya.

Naging misyonaryo pala sila roon ng kanyang misis.

Si Jose Mari Chan ang itinuturing ngayon bilang Hari ng mga awiting Pamasko, “I don’t want to be called the King or Father of Christmas Songs. I don’t deserve it. May mga nauna pa sa akin na deserving sa title. You just call me the man of the current Christmas songs.”

Simula nang sumikat ang kanyang “Christmas In Our Hearts” ilang taon na ang nakararaan ay naging tradisyon na sa mga radio stations sa bansa na patugtugin ito bilang hudyat ng Christmas countdown pagtuntong pa lang ng September.

But of course, bukod dito, marami ring classic hits ang OPM legend na talagang tumatak na sa mga Pinoy. I-Google n’yo na lang kung anu-ano ang mga ito para mapatunayan n’yo kung gaano karami ang kanyang pinasikat na kanta.

Kaya sa lahat ng naka-miss kay JMC, para sa inyo ang kanyang concert sa Dec. 22 na gaganapin sa The Theater At Solaire, titled “Going Home To Christmas”.

Special guest niya sa concert ang magaling na kontrabida ng GMA 7 na si Rita Daniela na proud na proud siyempre na sa henerasyon ngayon ng mga singer ay siya ang napili ng mga producer para samahan si Jose Mari Chan.

Read more...