Boobs ni RITZ AZUL nagmumura, ayaw patalbog sa dibdib ni VIVIAN
“Master Cleanse” ang ginawang diet ng TV5 Princess na si Ritz Azul kaya napakalaki nang ipinayat niya ngayon. Nag-guest sa radio show naming “KLIQ Showbiz” (Radyo Inquirer 990 AM) ang bida sa primetime series ng TV5 na Misibis Bay at talaga namang naghuhumiyaw ang kanyang kaseksihan.
Kuwento ni Ritz, 20 pounds ang natanggal sa kanya mula nang mag-Master Cleanse diet. “Talagang pinaghandaan ko ang teleseryeng ito, bago kami mag-taping, bukod sa workshop, kinarir ko ang magpapayat pa, so sinunod ko itong detoxification diet, puro liquid lang, walang solid food.
Inon lang ako nang inom ng tubig, tapos minsan lemonade na may pepper, mint at corn syrup,” kuwento ni Ritz. Hindi naman daw siya nanghihina kahit na hindi siya kumakain, “Malakas pa rin naman, tsaka hindi ka naman papayagan ng doktor na mag-master cleansing kung mahina ang resistensiya mo, kailangan healthy ka rin.
And siguro nasa will din talaga. Iniisip ko kasi talaga, mind over matter. “Siyempre, kung iisipin mong hindi kaya, hindi mo talaga kakayanin.
Kaya iniisip ko, kakayanin ko ‘to,” chika pa ng dalaga na talaga namang nagmumura ang malulusog na boobs. Sey pa ni Ritz, preparasyon na rin ito para sa pagrampa niya sa nalalapit na FHM Philippines 100 Sexiest Women in the World 2013 Victory Party na gaganapin ngayong gabi sa World Trade Center sa Pasay City. Si Ritz ang tinanghal na 28th Sexiest sa FHM.
Samantala, patuloy na tutukan si Ritz sa Misibis Bay mula Lunes hanggang Biyernes sa TV5 kung saan kasama rin niya sina Boyet de Leon, Daniel Matsunaga, Luke Jickain, Victor Silayan at marami pang iba.
Kasama rin dito si Vivian Velez na hindi lang sa aktingan mapapalaban, kundi pati na rin sa pagpapaseksi. Binibiro nga sina Vivian at Ritz sa Misibis Bay, boobs kung boobs daw ang labanan ng dalawa dahil sa kanilang malulusog na dibdib.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.