MALALIM ang hugot ni Megastar Sharon Cuneta nu’ng i-analyze ang sitwasyon nila sa buhay ngayon ng kanyang ex-boyfriend at leading man sa “Three Words To Forever” na si Richard Gomez.
Dati kasi siya ang nakatira sa isang posh subdivision sa Makati City (Dasmariñas Village) (for 40 years) na pag-aari ng kanyang yumaong ama na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta.
But now, nabenta na ang bahay nila sa Dasma at si Richard naman ang may bahay sa yayamaning subdivision na Forbes Park. And then, Mayor na rin si Goma sa Ormoc City.
Hindi naman miserable ang buhay ni Mega sa aspetong pinansyal dahil nakatira pa rin siya sa isang super sosi rin na condominium sa Makati na halos katapat lang din ng Forbes at Dasmariñas Village.
Ayon sa showbiz news noon, ‘di raw type ni Mayor Cuneta si Goma para kay Mega. Kasi nga may image itong pa-easy-go-lucky lang bukod pa sa lapitin ng mga babae. But now, napatunayan ni Goma na image lang niya ‘yun noon.
Parang ang tsika noon si Mommy Elaine Cuneta ang may gusto kay Richard for Mega. Pero dahil sa kagustuhan ni Sharon to be a good daughter sa kanyang nagkakaedad na ama kaya siya nakipag-break kay Richard.
Anyway, “wonderful” ang description ni Richard kay Sharon bilang girlfriend noon. Say nga ng singer-actress, lahat kasi natiis niya kay Goma noong magsyota sila, but promised herself na ‘di na niya gagawin ‘yun bilang girlfriend sa susunod na makakarelasyon niya.
Ang “Three Words To Forever” ang balik-tambalan nina Sharon at Richard after 14 years, directed by Cathy Garcia Molina at showing na ngayon sa mga sinehan. Kasama rin sa movie ang Box-office Queen na si Kathryn Bernardo.
q q q
Malakas ang appeal and very talented ang baguhang singer na si Miguel Villasis. Actually, pwedeng-pwede siyang makipagsabayan sa mga gwapong heartthrob sa showbiz ngayon. Kaya lang gusto niya munang mag-concentrate sa kanyang singing career.
Marami pang gustong patunayan ang newbie artist sa mundo ng showbiz. Sumali rin siya sa isang model search kung tinanghal siyang first runner up.
Dumaan na rin siya sa acting workshops at maraming natutunan sa pagbitaw ng mga linya at paghugot ng emosyon. Nai-release na rin ang bago niyang single titled “Date Tayo” composed by Rapido na isang fliptop sensation and arranged by Von Magno Florida.
Nagsilbi namang co-singer and co-writer ng song si CK. Katulong din ang binata sa pagsusulat ng kanta to express his emotions and personality as an artist.
Swak na swak sa pandinig ng millennials ang “Date Tayo.” Ang single ay ginamit din bilang isa sa soundtracks ng short film na “Two Strings Down” na inaasahang makakapasok sa mga local and international film festivals.
Mapapakinggan ang “Date Tayo” sa online at digital platforms. Malapit na ring ilabas ang music video nito sa YouTube.