BONGGA ang The Clash grand winner na si Golden Cañedo. Certified recording artist na kasi ang young singer at featured pa sa Spotify’s New Music Friday Philippines playlist ang version niya na “Ngayon” ni Basil Valdez.
Una niyang inawit ang “Ngayon” sa the Final Clash na naging daan para tanghaling Ultimate Final Clasher sa The Clash. Ipinarinig din ni Golden ang kanyang unang kanta noong Linggo sa musical variety show na Studio 7 kung saan namangha ang maraming manonood sa audience at sa telebisyon.
Congratulations, Golden!
MOST READ
LATEST STORIES