PALABAN ang Social Media Queen na si Kris Aquino sa pagsagot sa mga netizens na walang ginawa kundi ang okrayin siya sa social media.
Hindi pinalampas ng award-winning TV host ang ilang bashers na nag-post ng mga kenegahang comment sa kanyang latest Instagram post.
Bagong paandar ni Kris para sa kanyang mga loyal followers, “Wear Kris and Kris Lifekits are both culminations of cherished reams. I am a fan of VOGUE’S 73 questions…But since i’ll make the art cards & post my replies on IG stories, let’s just make it 14 questions? Start posting your questions & i’ll gave my 14 art card answers ready by 12 PM, 28 November 2018.”
Nag-promise pa ang mommy nina Joshua at Bimby na kakaririn niya ang pagsagot sa kanyang IG followers sa pamamagitan ng art cards.
Maraming nag-comment ng positibo sa post ni Tetay, pero may ilan na umiral na naman ang pagkanega. Isang basher ang nagsabing “feeling sikat” daw si Kris at kung anu-anong kadramahan ang ipinost sa social media.
Ito naman ang matapang na resbak ng reyna ng digital world, “Dito kita sasagutin, kasi may mga taong kagaya mo na mag aaksaya ng panahon para gumawa ng FAKE ACCOUNT para magpapansin. That means I am RELEVANT.”
May isa namang netizen ang nagsabing masyado na raw siyang OA. Tugon sa kanya ni Kris, “Because ang pagka-OA binabagay sa level ng ganda at talino.”
Kinampihan din ng ilang netizens si Kris sa pambabasag niya sa trip ng mga haters. Sey ni @iammavie30, “Good job Miss Kris, ganyan ang nararapat sa mga nega bina block. Let spread love love love. Merry Christmas to you, to your kids, your family, and extended family.”
Komento naman ni @iammavie30, “I love you talaga Miss Kris! Pak na pak mga reply nyo sa mga nega. Seriously, I admire your positivity. Life it to short to waste with negative people.”
Sey naman ni @yuling143, “Pang Miss U ang sagot Ms Kris, galing. Supalpal ka tuloy!”