Babala kay Vice: Magpakaligaya sa piling ni Abueva pero huwag pabayaan ang trabaho

VICE GANDA AT CALVIN ABUEVA

MARAMING  masaya dahil mukhang natagpuan na nga ni Vice Ganda ang lalaking tatayuan siya bilang karelasyon. Anumang relasyon meron sila ngayon ng basketbolistang si Calvin Abueva ay hindi na mahalaga.

Ang importante ay nakikita si Vice na masayang-masaya, mabitamina sa kanyang trabaho, parang walang kapaguran dahil inspired siya.

Pero may mga nakakapansin din na dahil kay Calvin ay may mga pagkakataong napapabayaan ng sikat na komedyante ang kanyang trabaho.

Nagpupunta sila ng basketball player sa malalayong lugar para magbakasyon na nagiging dahilan ng pag-absent ni Vice sa kanilang noontime show.

Sabi ng isang source na nakakuwentuhan namin, “Inspired talaga si Vice Ganda, kitang-kita naman ‘yun sa show. Hindi siya napapagod sa pagdyu-joke, napaka-active niya talaga sa kabuuan ng It’s Showtime.

“Sana nga, e, maging inspiration niya si Calvin, hindi na maghalaga kung ano ang ile-label ng mga tao sa relasyon nila, ang mahalaga, e, masaya si Vice.

“Pero hinay-hinay rin, dahil baka sa kagustuhan nilang palaging magkasama sila, e, napapabayaan din ni Vice ang work niya. Hindi na inspiration ang ganu’n, panira na!” madiing sabi ng aming source.

Tama!

Read more...