TUKOY na kung sino ang nasa likod ng demolition job laban kay Coco Martin at sa kanyang top rating teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano.
Walang usok kung walang apoy sabi nga nila. Isang demolisyong hindi nagwagi dahil alam nating hindi maganda ang hangarin kundi ang manira. Hindi na namin papangalanan ang taong ito pero mukhang may motibo talaga siya sa pagpapakalat ng kasinungalingan laban sa Team Probinsyano.
“Wala siyang utang na loob. Sa totoo lang ay wala siyang pangalan until Ang Probinsyano got him at yan pa ang isusukli niya?” ang pahayag ng isang nakausap namin tungkol sa isyung ito.
“Kapag tamad at pabaya ang katrabaho mo at hindi swak sa propesyonalismo ni Coco na siya ring think tank ng Probinsyano, aba, teka muna, siguro naman ay may karapatan siyang pumalag, di ba? Siya lang naman ang may problema tapos ang lakas ng loob niyang magsalita ng kung anu-ano,” bulalas pa ng kausap naming nakakaalam ng tunay na kuwento.
Hindi lang aktor si Coco sa Ang Probinsyano, isa rin siya sa mga direktor nito at hands on din sa creatives kaya natural lang na hindi uubra sa kanya ang mga tamad. At natural lang sa isang production ang magkakaroon ng disagreements sa execution ng story at mounting ng eksena.
Kaya kung tamad ka, mabagal magtrabaho, ay talagang mapag-iiwanan ka sa pinaiiral na work attitude ni Coco. Hindi kasi pwede sa kanya ang pucho puchong trabaho. Kung hindi ka makasabay, just quit! Pero hindi tama na manira ka ng tao at isang proyekto na nagtiwala at naniwala rin sa kakayahan mo. Not to mention the fact na pinagkakitaan din niya ito.
Huwag na nating pag-usapan ang utang na loob niya kay Coco, dahil mukhang hindi rin naman niya alam kung ano ang ibig sabihin nito.
READ MORE:
Jay Sonza ‘binugbog’ matapos tawaging mukhang pera ang ABS; sipsip kay Digong
Coco alagang-alaga si Maine; nagpakilig ng mga fans sa mall
‘Kung kailan gusto na uling magtrabaho ni Janno saka walang dumarating na proyekto’