Kalat na: Willie tuloy na ang pagtakbong mayor sa QC, iiwan na ba ang Wowowin? | Bandera

Kalat na: Willie tuloy na ang pagtakbong mayor sa QC, iiwan na ba ang Wowowin?

Cristy Fermin - November 28, 2018 - 12:20 AM

WILLIE REVILLAME

Nakaabang pa rin ang mga kababayan natin sa magiging desisyon ni Willie Revillame hanggang bukas, November 29, ang huling araw kung saan puwede pang lumahok sa halalan sa susunod na taon ang mga hindi nakapag-file ng COC sa takdang panahon.

Laman pa rin ng mga balita na tatakbong mayor ng Quezon City ang aktor-TV host, ‘yun ang senaryong kalat na kalat sa siyudad, hanggang hindi natatapos ang panahon ng substitution bukas ay nakaabang pa rin ang lahat.

Wala pang naging pag-uusap sa pagitan ni Willie at ng GMA 7, pinabubulaanan ‘yun ng sikat na personalidad, sa halip ay nag-renew pa nga siya ng kontrata para sa Wowowin.

Napakaraming lumalapit na pulitiko kay Willie na nangangako nang isandaang porsiyento ng pagsuporta oras na tinanggap niya ang pagtakbong mayor ng Quezon City.

Pinakikinggan lang ni Willie ang mga sinasabi ng mga kausap niya, wala pa siyang desisyon, kung totoong

tatakbo nga siya ay biglang magbabago ang mundo ng mahal na TV host ng bayan.
Nakaabang ang lahat. Baka raw kasi biglang magdeklara ng pagtakbo si Willie Revillame. Baka ‘yun ang nakaguhit sa kanyang palad.

“Imagine, nakahandang bumaba ang mga nagdeklara nang tatakbo para lang makuha nila si Willie? Magba-vice-mayor na lang sila, si Willie ang pinakaulo,” sabi pa ng isang nakausap naming malapit sa aktor-TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending