Job fair para sa PWDs

ISANG natatanging job fair ang itinakda para lamang sa mga may kapansanan sa Metro Manila na inaasahang magbibigyan ng oportunidad sa empleyo, pangkabuhayan at pagsasanay.

Ang jobs fair ay isasagawa bilang paggunita sa pandaigdigang araw ng mga taong may kapansanan. Ang ekslusibong okasyon ay bahagi rin ng paggunita ng ika-85 taong anibersaryo ng labor department.

Maraming pribadong kompanya at ahensiya ng pamahalaan ang inaasahang lalahok at handang tumanggap ng kwalipikadong persons with disabilities bilang kanilang manggagawa sa gaganaping job fair na nakatakda sa Disyembre 5 sa Quezon City Hall na magsisimula ng alas-otso ng umaga.

Tampok sa espesyal na gawain ang pagtupad sa batas na nag-aatas sa mga tanggapan ng pamahalaan na maglaan ng isang porsiyento ng mga posisyon para sa mga persons with disabilities. Ang parehong batas, Republic Act 10524, ay humihikayat sa mga pribadong kompanya na may mahigit 100 manggagawa na maglaan ng isang porsiyento ng kanilang manggagawa para sa mga taong may kapansanan.

Titipunin ang mga employer mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para sa nasabing gawain.

Magbibigay ng tulong-pangkabuhayan at pagsasanay ang Department of Trade and Industry at ang Technical Education and Skills Development Authority para sa mga kwalipikadong benepisaryo sa nasabing okasyon. Ang iba pang tanggapan na kalahok sa gaganaping job fair ay ang Public Employment Service Office sa National Capital Region, ang National Council on Disability Affairs at ang tanggapan ng pamahalaang lokal ng Quezon City.

Inaanyayahan din lahat ng lokal na pamahalaan ng Metro Manila na makilahok sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kwalipikadong person with disability mula sa kani-kanilang komunidad sa gaganaping job

Maaaring mag-rehistro sa philjobnet.gov.ph ang mga person with disability na naghahanap ng trabaho o ang mga employer na nagnanais lumahok sa job fair.
aldm/ Paul Ang

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...