Ex ni mader, present ni daughter

Dear Ateng Beth,

Nakakatawa kasi ‘yung sitwasyon ko/namin ng mother ko. Para itong isang movie o teleserye.

Hindi mo aakalain na ‘yung BF ko ngayon, na 20 years my senior, ay naging boyfriend ng nanay ko when she was still in college. And something happened to them.

At nalaman ko lang ang lahat nang dalhin ko si BF sa bahay namin. Awkward!

Noong una ay di ko magets bakit di sila pareho makapagsalita at parang may something na di ko maunawaan.

Iwas sila nang iwas sa isa’t isa.

Tatlong beses ko pa lang nadadala si BF sa bahay pero ngayon ayaw na niyang pumunta. Until sinabi sa akin ng nanay ko na may past pala sila ng BF ko. Mahal ko ang taong ito and I’ve been thinking na siya na siguro ang forever ko.

Pero hindi ko maisip anong magiging sitwasyon namin once na magsama kami. Anong klaseng pakitungo ang gagawin nila sa isa’t isa. Weird, di ba? But I think this thing happens talaga in real life. Please help me.

Shane, Mandaluyong City

Jezkelerd, Shane! ang hirap nga ng sitwasyon mo. Halos gusto ko nang mag-walk out (sa editor ko!)

Ito ay sitwasyong dapat pinag-uusapan. At bilang ikaw ang nasa gitna ng lahat, ikaw ang unang dapat makaresolba nito.

Tanungin mo ang sarili mo – okay lang ba sa iyo na ang lalaking magiging kasiping mo ay naging kasiping ng nanay mo?

Hindi mo ba iho-hold against him ang nakaraan ni boypren? Kung maging sweet o civil si boypren kay mader, lalo na kung magiging magbiyenan sila, sure kang walang maglalaro sa isip mo na kung anu-ano at pagkakatiwalaan mo si boypren at mader? Pwede naman kasing mag-move on, wag lang mag-to-throwback kapag di nagkakasundo.

Kapag nasagot mo ito, saka mo kausapin ang dalawa na magkahiwalay.

Kay mader, itanong mo kung okay lang ba siya sa posibilidad na maging magbiyenan sila? Naka-move on na ba siya as in napatawad niya na si boypren na may nangyari sa kanila pero di sila nagkatuluyan?

Willing ba siyang mag-move on na, yamang matagal na naman iyon. Kung no ang mga answers ni mader, wag mo naman ‘yun ikasama ng loob. Bilang babae naiintindihan mo naman ‘yung mga attitude natin sa mga ex natin na minahal natin nang bongga, di ba?

So iproseso n’yong patuloy. Pag-usapan ano ang pwedeng win/win solution ninyo.

Kay boyfie, obviously naka move on na naman siya. Ang tanong, paano niya pakikisamahan si mader kapag naging biyenan niya ito? (A siguro itanong mo muna kung seryoso din ba siya at may pupuntahan bang kasalan ang relasyon n’yo). Pwede bang siya ang magsimula ng pakikisama kay mader bilang galang na lang na nanay mo siya at hindi ex niya.

Jusko! Parang gusto kong sundan ang dramang ito ng buhay n’yo at makita kung ano ba ang ending. Kung pwede-update mo kami!

Read more...