JM sa basher: Hunghang, syunga ka! Hindi ako marunong manira!
SUNUD-SUNOD ang ginawang pagresbak ni JM de Guzman sa isang netizen na pilit siyang pinaaamin sa tunay na dahilan kung bakit nagalit sa kanya ang rumored girlfriend na si Barbie Imperial.
Ayon sa kumalat na chika, nag-away daw sina JM at Barbie nang dahil kay Rhian Ramos na nakatambal ng aktor sa pelikulang “Kung Paano Siya Nawala”.
Narito ang mahabang tweet ni @zjhay_justine laban kay JM, “Kalat nyo gusto nyo iba maglilinis. Yong is a hugas kamay na sa Twitter ikaw naman nangangalap ng simpatya ng tao.
“Damage has been done JM. Alam ng karamihan ang totoong nangyayare from a very reliable source na kilala mo rin. Maawa naman kayo don sa taong labis na nasaktan,” sabi pa ng netizen na parang napakaraming alam tungkol sa personal na buhay nina JM at Barbie.
Ito naman ang naging sagot JM, “Focus ka sa pamilya mo. sa future mo. trip mo issues ng iba? magtrabaho ka. follow your dreams.”
Hindi pa rin tumigil ang basher ni JM at patuloy siyang pinaaamin sa nagawang mali kay Barbie, na sinagot lang ng aktor ng “Okay karen.” Inakala naman ng netizen na ang “okay” na ipinost ni JM ay pag-amin na sa mga ibinibintang sa kanya.
Kaya ang reply ng basher sa kanya, “Boom! hulika balbon! Umamin din. Excuse me hindi ako si Karen.
Hahahahahaha kesyo tama ang details ko Karen agad? Di lang si Karen ang may alam ng lahat JM, madami kami.”
Ito naman ang reply ng Kapamilya actor, “Inamin na? tanga ka? di pa…wait lang busy ako.”
Dagdag pa niya, “O, e di kayo kayo nga sumisira sa fandom na to. hunghang ka pala e. inamin nyo din. shunga.”
Matapos ang mahabang tweet, sinabi ng basher na titigilan na niya si JM pero sinabi nitong sana raw ay karmahin ang aktor. Na sinagot lang ni JM ng, “O? suko ka na? tuloy mo pambubully mo huy.”
Samantala, sa gitna ng kontrobersyang ito, nag-tweet naman kahapon si Barbie ng maikli ngunit makahulugang mensahe. Aniya, “Young but not stupid.”
Naniniwala ang kanyang followers na may kinalaman nga ito sa diumano’y panloloko sa kanya ni JM. Ilang fans ng dalawa ang nalungkot sa mga naglabasang balita tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Ang iba naman ay nagalit kay JM dahil sa mga chikang nag-uugnay sa aktor at kay Rhian.
Sa isa pang post ni JM, muli niyang sinabi na friends lang sila ni Rhian kasabay ng paghingi ng paumanhin sa aktres dahil sa pagkakaugnay sa kanya, “Tol. Salamat sa malupit na journey na makatrabaho ka. Sa pagkakaibigan na pinakita mo at pagiging totoo salamat ng marami.
“All i have for you is respect at malasakit at alam ko ganun kadin sakin. Salamat nakatrabaho kita. salamat sa talento at inspirasyon. tibay mo.. Salamat sa tulong. Stay strong, alam ko medyo masakit na. im Sorry. ingat lagi kaibigan. apir.”
Samantala, isang netizen naman ang nagtanong kung bakit kay Rhian siya nag-sorry at hindi kay Barbie.
Dito na nagpahiwatig si JM na si Barbie ang posibleng may problema sa kanilang relasyon.
Sagot ng aktor sa netizen, “Magkwentuhan kayo a… yung malalim na kwento. @axe1torres @msbarbieimperial.” Ang tinutukoy ni JM ay ang dating Pinoy Big Brother: All In housemate na si Axel Torres.
Ito naman ang sagot ng binata sa isa pang basher, “O, e tanga ka pala e. di ba puro paratang din kayo? pati mga walang kinalamang tao kung balahurain nyo ng salita nyo akala nyo Diyos kayo. ngayong may narinig lang kayong konti inalam nyo ba? galit kayo agad just shows how subjective you are.
“Hindi na pagiging gentleman issue dito. kitid ng utak, at ugali mo at hindi ako marunong manira. kaya nga sabi ko sila pagusapin nyo e. nak naman ng ano o. good morning. baka mali kayo ng binabash.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.