MAS magandang basahin ang ating Wacky Leaks ngayong araw na ito habang nakikinig sa awit ng Yano na “Banal na aso, santong kabayo. Natatawa ako. Hihihi…”
Isang kilalang mediaman kasi ang bida sa ating kwento ngayong araw.
Ibang-iba ang kanyang imahe sa publiko sa kanyang tunay na pag-uugali sa kanyang mga katrabaho.
Bukod sa palamura ang mamang ito ay mahilig din siyang manlait sa mga ordinaryong tao sa kanilang sikat na media company.
Wala namang magawa ang mga taong kasamahan niya sa kumpanya kundi ang pakisamahan siya dahil kailangan nila ng trabaho.
Si Sir kasi ang namumuno sa isa sa mga business units sa kanilang malaking media outfit.
Isang araw habang nagwawala sa galit sa mga empleyado ay kanyang sinabi na ganun daw dapat ang lider para ma-motivate ang kanyang mga subordinates.
Kundi ba naman may problema ang mamang ito ay sukat ba naman niyang sabihin na kailangan daw maliitin ang mga taong nakapaligid sa kanya para magsikap at umunlad sa buhay.
Nasabi tuloy ng isa sa kanyang mga tauhan na dapat nga ay magpasalamat si Sir dahil sa kabila ng kanyang itsura ay tinanggap siya ng publiko na naging dahilan pa sa kanyang pagsikat.
Mas nakakaawa nga naman si Sir kundi siya sumikat tapos ganun pa ang itsura niya, wika pa ng isang tao na malapit din sa kanya sa nasabing media firm.
Kung alam lang daw ng ilang mga organisas-yon ang tunay na ugali ni Sir ay baka bawiin ng mga ito ang ilang mga awards at pagkilala na naibigay sa kanya.
Ngayong panahon ng Kapaskuhan ay naging mainit ang paalala ni Sir sa kanyang mga tauhan na huwag tumanggap ng mga regalo pero kabaliktaran ito sa kanyang ginagawa.
Wala pa ngang Disyembre ay puno na ng mga regalo ang kanyang magandang tanggapan.
Ang mediaman na palamura at mahilig mambully ng mga ordinaryong empleyado sa kanilang media network ay si Mr. M….as in Micro.