Kathryn jackpot kay Daniel: Ang suwerte ko po, hindi nagkulang si DJ ng suporta sa akin


KATHRYN Bernardo admitted na hindi naging madali para sa kanya na gawin ang “Three Words To Forever.”

For one, it’s her first movie na hindi niya kasama si Daniel Padilla.

“Of course, great, great adjustment for me. Hindi ko naman sasabihin na naging madali siya kasi ang tagal, six or seven years na kasama ko si DJ. Naninibago talaga ako. Noong in-offer kasi ‘yung movie with tito Richard (Gomez) and tita Sharon (Cuneta), and narinig ko ‘yung story ay gusto ko siyang gawin kasi ang ganda-ganda.

“Anak ako, eh, member ako ng family. Gusto ko ako ‘yung ako ‘yung mag-represent sa youth once they watch the movie. Ako ‘yung parang boses ng mga anak,” paliwanag ng dalaga.

“Of course, the first few shooting days ay nangangapa ka kasi out of town ‘yung shoot so hindi ka makakauwi sa house mo at hindi mo makikita ang ibang tao but then after a week okay na. Nakatulong din of course si DJ kung gaano niya ako sinuportahan sa movie na ito. Grabe, hindi nagkulang si DJ sa support. Ang suwerte ko.”

Aminado naman siyang kinilig siya nang dalawin siya ni Daniel sa shooting nila. Kitang-kita sa video kung paano siya halos mapatalon sa tuwa nang makita niya ang kanyang boyfriend.

“Oo, kasi ang tagal ko siyang hindi nakita, eh. Parang na-recharge ako noong nakita ko siya, okay, ready na ulit,” she said.

“Alam mo, ang sarap ngayon i-share ng lahat, na ganito ka-open, since sinabi namin doon sa last presscon ‘yung totoong status namin. I’m the happiest when I’m with DJ. Hindi lang siya boyfriend, e. Kaibigan mo rin. Sasabihin mo sa lahat kung paano siya sa family ko,” dagdag niya.

Read more...