Jake Zyrus engaged na kay Shyre Aquino: She’s the one

SHYRE AQUINO AT JAKE ZYRUS

ENGAGED na si Jake Zyrus sa kanyang girlfriend na si Shyre Aquino.

Sa panayam nina DJ Jhai Ho at Darla Sauler para sa kanilang digital show na “I Know Right,” inamin ni Jake na nag-propose na siya kay Shyre sa pamama-gitan ng thumbs up sign.

Hindi raw nila ito ibinabandera ni Shyre sa publiko pero, “When somebody asks of course we say it.”

Tumanggi naman ang international singer na sabihin kung kailan naganap ang engagement, “Regalo niyo na sa amin. ‘Yun yung naiba sa relationship na to and I enjoy it so much. Masaya ako na alam niyo, pero masaya ako na we have some things na kami lang ang may alam.”

At sa tanong kung bakit si Shyre na nga ang kanyang “the one,” ang tugon ni Jake, “This is totally different from the past. Usually sa isang relationship, first year pabebe ka pa, di ba? Pero first month pa lang ng relationship namin naging kumportable na ako sa kanya.”

Suportado rin daw ng kanyang girlfriend ang lahat ng kanyang ginagawa ngayon, kabilang na ang ilang pagbabago sa kanyang katawan, “Nu’ng time na nag-top surgery ako siya yung nag-alaga sa akin. Sinabi ko na I was going to transition…nakilala niya ako nung Charice ako at ang sabi niya sa akin mahal kita kasi ikaw yan.”

Read more...