Heart may bagong hugot para kay yumaong Sen. Miriam Santiago


KAHIT  walang regular show si Heart Evangelista sa GMA 7 ngayon, super busy pa rin siya dahil sa kanyang vlog, pagpipinta at mga fashion events.

Sa isang panayam, sinabi ni Heart na napakalaki ng nagawa sa kanyang buhay ng yumaong senador na si Miriam Santiago, na itinuring na rin niyang second mom noong nabubuhay pa ito. Aniya, si Sen. Mirian ang nagturo sa kanya kung paanong lumabas sa kinagisnan niyang “comfort zone.”

“It was hard for me to step out of my shell. She was very instrumental for me to becoming a bit more empowered,” ang sabi ni Heart sa panayam ng GMA.

At sa mga nangyayari ngayon sa kanyang buhay at career, sigurado raw na nakangit ngayon sa kanya ang yumaong senadora, “She’d be so happy, she would always tell me to go for my dreams and not be afraid.”

Wala pang ibinabalita si Heart sa kanyang mga fans and followers kung kailan uli siya gagawa ng teleserye o pelikula.

Ayon sa mga Instagram followers ni Heart, sana raw ay mapanood na uli nila ang misis ni Sen. Chiz Escudero na umaarte sa TV o sa big screen. Sayang naman daw kasi ang talent ng aktres sa akting kung hindi ito napapakinabangan.

Read more...