KUNG hindi sa 2021, baka raw sa 2023 pa magpakasal ang Kapuso actress na si Kris Bernal. Ito ang sagot ng dalaga sa lahat ng mga nagtatanong kung kailan ba siya magkakaroon ng sariling pamilya.
Ayon sa lead star ng GMA Afternoon Prime na Asawa Ko, Karibal Ko, pangarap niya rin na maging maybahay ay ina in the future pero parang hindi pa niya nakikita ang sarili na nagpapakasal.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng litrato na naka-wedding gown at may caption na, “The most frequent question people ask me is when will I get married.
“Honestly, I’m not yet sure. I’m still enjoying my career! But since I’d love to start my own family in the future, maybe you’d get to see me walk down the aisle in 3-5 years! And de-finitely in a simple yet stunning gown similar to the one I’m wearing from @elizabethholliedesign,” dagdag ni Kris.
Very much happy and in love si Kris ngayon sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Perry Choi na isang businessman. Ito rin ang katuwang niya sa kanyang food business at very soon ay ilo-launch na rin niya ang sariling lipstick line.
Samantala, patuloy na tutukan ang Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA after Eat Bulaga dahil mas matitindi pang pasabog na eksena ang inyong mapapanood lalo na ngayong nagkrus na ang landas ng dating mag-asawang sina Rachel (Kris) at Venus (Thea Tolentino) na dating si Nathan (Jason Abalos).
Promise nina Kris at Thea mas marami pa silang nakakalokang confrontation scenes dahil sa pag-aagawan nila kay Gavin (Rayver Cruz).