SI Kathryn Bernardo ang napiling pinakaunang Girl Scout Ambassador ng Girl Scout of the Philippines. Pormal na ipinakilala ang dalaga sa naganap na Chief Girl Scout Ceremony nitong weekend.
“Nakakakilig yung feeling na ‘yon na ang daming pwedeng maging face of Girl Scout (of the Philippines) yet they chose me. At first time pa sila kumuha ng ambassador actually na celebrity for Girl Scout.
“Sana more than just that, marami akong ma-encourage and mas marami akong makuhang bagong mga Girl Scouts lalo na yung generation ngayon. So sana maka-inspire ako sa kanila, especially mga bata,” pahayag ni Kathryn sa panayam ng ABS-CBN.
Para sa Kapamilya actress, handa siyang tumulong sa abot ng kanyang makakaya para maipagpatuloy ang mga proyekto ng GSP sa bansa. Aniya, malaki ang naitulong ng pagiging Girl Scout niya noon sa buhay niya ngayon.
“For me, very important kasi growing up naging malaking part siya ng life ko. And ito yung association na grabe yung respect ko kasi ilang generations na ang dumaan pero nandiyan pa rin sila, pinaglalaban ang mga pinapaniwalaan nila. Kaya sana hindi natin sila kalimutan,” chika pa ng girlfriend ni Daniel Padilla.
Samantala, balak muna sanang mag-break sandali ni Kathryn sa showbiz matapos magkasunud-sunod ang proyekto niya ngayong taon na siya ring 15th year niya sa showbiz.
“After kasi ng The Hows of Us, di ba nag-Three Words To Forever na ako agad. And, medyo magkasunod talaga ang work so December and January talaga pinaka-break ko for myself and my family so yun yung reward,” ani Kathryn.
Sinabi rin ni Kathryn na mas open na siya ngayon sa mga solo projects na mas magbibigay ng challenge bilang aktres at mga “out of comfort zone” roles.
“Wala akong specific na masabi kung anong role. Sana every project iba doon sa nagawa ko na. And hindi ko alam kung action o drama. Depende kung ano ang ipi-present nila, something hindi ko pa nagagawa, something na malayo sa personality ko. Something na challenging si-guro and out sa comfort zone ko,” chika pa ng dalaga.
At sa unang pelikula niya na hindi kasama si Daniel mula sa Star Cinema, ang “Three Words To Forever” kakaibang Kathryn na naman ang mapapanood ng madlang pipol. Makakasama niya rito sina Sharon Cuneta at Richard Gomez, sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.
Showing na ang “Three Words To Forever” sa Nov. 28 nationwide.