AFP missile, telco-serye at rollback | Bandera

AFP missile, telco-serye at rollback

Jake Maderazo |November 26,2018
facebook
share this

AFP missile, telco-serye at rollback

Jake Maderazo - November 26, 2018 - 12:15 AM

ISANG malaking kasaysayan ang naitala ng Armed Forces of the Philippine nitong nakaraang linggo dahil natupad na ang dating panaginip lang na “modernisasyon”.
Unang-una, naging “missile capable” ang AFP matapos ang matagumpay na testing ng Spike-ER (Extended range) surface to surface missile system ng Philipiine Navy sa Lamao Point Bataan.
Ito’y nabili natin mula sa RAD Ltd. ng Israel. Sinubok din ang “rocket equipped” na helicopter at ang “mini typhoon machine gun system” ng isang multi-purpose attack craft sa dagat.

Ibig sabihin, may “K” na ang militar nga-yon na labanan ang mas malalaki at modernong mga sasakyang pandagat na dati’y labas-masok sa ating teritoryo.

Sa madaling salita, ito ang katuparan ng matagal nating panaginip na “minimum defense capability” upang protektahan ang ating karagatan at buong bansa laban sa mga panlabas o panloob na kalaban.
Sana magkaroon na rin tayo ng sariling submarine at mga anti-submarine helicopters.
Congrats AFP at Pres. Duterte!
***
Meron na tayong third telco at ito’y ang Mislatel at ang kasosyo nilang China Telecom ang dineklarang panalo ng National Telecommunications Commission.
Ika nga, tapos na ang drama ng mga natalong bidder. Tapos na rin ang tinatawag na “telco-serye” na binubuo ng mga TRO, kaliwa’t kanang press confe-rences na disgustado sa desisyon ng NTC.
Ngayon dapat mag-focus ang lahat sa pa-ngakong mas magandang serbisyo sa telekomunikasyon ng Mislatel-China Telecom.
Sa Unang taon, gagawin daw nilang 27 mbps ang bilis ng Internet at sa ikalawa, ito’y magiging 55 mbps na halos kapareho na ng Singapore. Sa ngayon kasi, ang Globe at Smart ay parehong 10mbps lamang ang kanilang “basic packages”.

Kung mabigo ang Mislatel sa mga pa-ngako, babawiin ng NTC ang “frequency” at kokolektahin din ang P14-bilyong “performance bond”.
Tingnan natin kung kaya nga ito ng Mislatel-China Telecom.
***
Bigtime rollback na naman ngayong linggo sa mga produktong langis. P2.30/L sa diesel, P1.10/L sa gasolina at P2.30/L sa kerosene.

Wala nang masasabi rito ang mga jeepney at bus drivers dahil tuluyan nang bumaba ang presyo ng diesel dito sa Metro Manila at mga lalawigan.
Doon nga sa Bulacan, nasa P36-38/L lang ang presyo ng diesel. Kung idaragdag ang panibagong rollback, ito’y papalo na lang sa P34/L.
Isama pa natin ang dati nang mga “diesel discounts” na P2/L na binibigay ng ilang malalaking oil companies sa mga jeepney drivers.
Dito, dapat lang ibalik sa P8 ang minimum fare sa jeepney at isama na rin ang mga singil ng mga “tricycle drivers”.
Attention LTFRB Marting Delgra, kanselahin na agad ang binigay na provisional fare na P10 at gawing P8 na agad-agad.
At kayong mga city mayors at municipal mayors na may poder sa pamasahe sa inyong mga tricycles, kumilos na kayo!
Huwag hintaying magalit ang mga commuters sa inyo lalo’t tatandaan nila ang katamaran n’yo sa nalalapit na eleksyon.
Inuulit ko ang panawagan lalo na doon sa mga biyahero ng gulay, baboy, manok at bigas sa mga palengke, magbaba na kayo ng inyong mga presyo. Nakakahiya na kayo!
Huwag nang hinta-ying makasuhan kayo ng “profiteering”. Tandaan niyo, may kulong iyan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending