Stay-out arrangement ng mga DH para iwas abuso

UPANG maiwasan umano ang bilang mga Filipino domestic helper na inaabuso ng kanilang mga amo, dapat umanong itulak ng gobyerno ang ‘live-out’ arrangement.

Ayon kay ACTS-OFW spokesman Francisco Aguilar ang pananatili ng mga OFW sa bahay ng kanilang amo ang isa sa nagiging daan upang maabuso ang mga ito.

“To counteract this vulnerability, we have to encourage live out schemes for our domestic workers once they have completed their job shift,” ani Aguilar.

Kung stay-out umano ang mga DH ay maiiwasan din na pinagtatrabaho ang mga ito ng hanggang madaling araw.

Sinabi ni Agilar na sa Japan ay mayroong mga kinuhang mga Filipino bilang “professional housekeepers”.

“The staffing firm assigns the professional housekeepers to individual Japanese homes, and then pulls the workers out after their eight-hour shift,” dagdag pa ni Aguilar.

Noong Hunyo ay namatay ang Pinay na si emerita Gannaban, 44, ng Balbalan, Kalinga, matapos siyang malason. Namatay siya sa Prince Mahammed Bin Abdulaziz Hospital sa Riyadh.

Inirereklamo ni Gannaban ng pang-aabuso ang kanyang amo. Ikinukulong din umano siya sa banyo at hindi pinapakain sa oras.

Kamakailan ay dumating naman sa bansa si Jennifer Dalquez, mula sa United Arab Emirates matapos niyang mapatay ang kanyang amo na tangkang humalay sa kanya.

Read more...