‘Tomas’ hindi magla-landfall

INAASAHANG muling papasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Tomas na lumabas matapos ang maikling panahon ng pananatili.

Pero ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration maliit ang posibilidad na mag-landfall sa bansa ang bagyo na may international name na Man-Yi.

Ngayong umaga ang bagyo ay nasa layong 1,525 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan. Wala itong direktang epekto sa bansa.

Ang bilis ng hangin nito ay umaabot sa 145 kilometro bawat oras at pagbugsong 180 kilometro bawat oras.

Read more...