JENNYLYN naospital nang pumutak ang ina ni PATRICK tungkol sa sustento ng anak?


JENNYLYN Mercado might find herself embroiled in another word war with Patrick Garcia’s mom. Meron kasing controversial revelations ang mom ni Patrick sa isang sikat na social networking site.

Actually, screengrab ng tweets ng madir ni Patrick ang aming nabasa which directly concerns Jennylyn. Matindi ang revelations.
Tweet ng madir ng actor, parang ipinagkakait talaga ang anak ni Patrick sa kanya.

Tama kaya ang revelations ng mom ni Patrick na kapag below P25,000 ang padalang sustento ng actor sa kanyang anak ay hindi ipinapakita ni Jen si baby Jazz? Na kapag P25,000 to P40,000 ang allowance na bnibigay ni Patrick ay puwede niyang makita ang anak sa school at by appointment pa?

At kapag P50,000 naman ang inabot ng actor ay malaya niyang makakalaro ang  anak?  Minsan pa nga raw ay nagalit si Jen nang malaman niyang diretsong binabayaran ni Patrick ang tuition fee ni Jazz sa school.

Ibinuking din ni madir na nasa home study ang apo niya. She’s hoping na ibalik na sa normal school ang bata dahil makatutulong ito sa development ni Jazz.

Sabi pa ng mom ni Patrick, October pa huling nakita ng actor ang kanyang anak. Ang gusto raw ni Patrick ay sina Jen at Jazz ang personal na kumuha ng sustento para naman makita niya ang kanyang anak.

Lahat ng revelations na ito ay itinuweet ng madir ni Patrick using her celeste59630 account.  Ang matindi pang revelations ay ang pag-iwan daw ni Jen kay Patrick at pakikipagrelasyon kay Andrei Felix when she was still three months pregnant.

Ano naman kaya ang comment ni Jennylyn sa bagong intrigang ito? Ang mabuti pa siguro ay magpa-interview si Jen para linawin ang mga isyu.

Ang sabi ng mother ni Patrick ay wala naman silang away ni Jen at wala ring communication. Hindi lang daw sila magkasundo sa sustento.

Teka, totoo maman kayang madir ni Patrick ang nag-tweet ng mga revelations tungkol sa sustento? Nabalitaan din namin na naospital daw si Jennylyn pagkatapos ng live episode ng kanilang Sunday show sa GMA.

Binantayan pa nga raw ito ng boyfriend na si Luis Manzano. Hindi kaya ang mga pasabog ng mommy ni Patrick ang dahilan kung bakit naospital ang aktres-TV host?

Read more...