Kapag hindi raw nagkasundo, ’VIDEO SCANDAL’ nina CLAUDINE ikakalat ng kampo ni RAYMART?

TRENDING topic ngayon sa mga social networking sites ang kontrobersiyal na video tape raw ni Claudine Barretto at ng kanyang mga anak na mismong kinunan daw ng nakahiwalay niyang asawa na si Raymart Santiago.

Sa isang TV interview, kinumpirma ni Claudine na merong isang video na diumano’y gagamitin daw ng kampo ni Raymart laban sa aktres, “Yes there was, a video. He videotaped me and my children.”

Nang tanungin si Claudine kung ano ba ang laman ng video tape na ‘yun, umiling lang ito sabay sabing, “Pag lumabas, sa kanila na nanggaling yun.”

Pero kinumpirma ng aktres na hindi naging maganda ang epekto ng nasabing video tape sa kanilang mag-iina, “It traumatized me and my children,” ang pahabol na mensahe ng aktres na very soon ay magbabalik-showbiz na rin.

Kaya ngayon, kung anu-anong ispekulasyon ang lumalabas kung ano ba talaga ang laman ng video tape na ‘yun na sinasabing malaking kasiraan daw kay Claudine sakaling kumalat at mapanood ng mga tao.

May nagsabi sa amin na may kinalaman daw ito sa huling pagkikita ng mag-asawa. Ito ‘yung araw kung kailan lumayas si Raymart sa  bahay nila. Mula noon ay hindi na  nagkita ang mag-asawa.

Sa nasabi pa ring interview, kinumpirma ni Claudine na  ilang buwan na rin silang hindi magkasama sa bahay ng asawa at hindi niya alam kung saan ito tumutuloy ngayon, “Pumupunta-punta siya sa bahay a few weeks ago, ’til hindi naging maganda yung kinalabasan nu’n.”

Sa interview naman ng ilang kasamahan natin sa panulat kay Raymart (sa taping ng seryeng Home Sweet Home ng GMA 7), sinabi ng aktor na okay naman ang takbo ng buhay niya ngayon.

May nagtanong kay Raymart kung nadadala ba niya sa trabaho ang mga personal niyang problema, hindi ba siya naiinis sa mga isyung ibinabato sa kanya?

“Hindi, kasama naman sa trabaho ‘yan. Pero pag may mga ganoon, dapat hindi dinadala sa trabaho yung mga yun. Pero tao lang tayo, pero hindi natin kailangang dalhin sa trabaho ‘yan.

Hindi tayo magpapaapekto sa mga bagay-bagay na ganyan.” Anyway, speaking of Home Sweet Home na napapanood pa rin bago mag-24 Oras sa GMA, narito ang kailangan n’yong abangan sa pagpapatuloy ng kuwento: Hindi kakayanin ni Benjie na halikan si Lucy.

Buo na ulit ang family ni Reden. Malalaman ng Caharian Familya na lola nila si Pandora. Magpapakita ang Big Boss kay Pandora.

Kailangan niyang makawasak ng isa pang pamilya at makakalaya na siya sa sumpa ng pagbabantay sa lumang bahay.
Mabibisto ni Coco na totoo ngang lider ng sindikato si Miguel.

Makikita siya ng mga ito at huhulihin. Mabibisto si Benjie na may dog ears at makikipag-break sa kaniya si Lucy dahil dito.

Read more...