Jose Mari Chan tumanggi sa titulong ‘Father of PH Christmas Music’
PARA sa madlang pipol, maaari nang tawaging Pambansang Christmas Song ang kantang “Christmas In Our Hearts” ng OPM icon na si Jose Mari Chan.
Nakachi-kahan namin ang award winning singer-composer sa naganap na mediacon kamakalawa para sa holiday concert niyang “Going Home To Christmas”.
In fairness every year, pagsapit pa lang ng Sept. 1 ay pinatutugtog na sa mga FM at AM radio stations ang kanyang “Christmas In Our Hearts”. Meaning, simula na ng mahabang selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas.
At dahil dito, binansagan na nga siyang “Father of Philippine Christmas Music” na sinang-ayunan naman ng mga Pinoy. Mula bata hanggang sa matatanda, isama pa ang mga millennial, ay kabisa-dung-kabisado talaga ang “Christmas In Our Hearts.”
Pero sabi ni Mr. Chan hindi niya deserve ang nasabing titulo, “I cannot consider myself Father of Christmas Music, I don’t deserve that title.”
“Because when you say Father of Christmas Music, it should go to people like Levi Celerio or, you know, Francisco Santiago, who wrote songs like ‘Ang Pasko Ay Sumapit…’ ‘Pasko Na Naman,’ you know.
“Those are the Fathers of Christmas Music. I don’t deserve that title. No! No! I don’t deserve that!” pahayag pa ng OPM icon. Pwede raw siguro na tawagin siyang “current flavor”.
Aniya pa, darating ang panahon na magbabago rin ang taste ng mga Pinoy at posibleng malimot din ang kanyang mga hit songs. Hirit pa niya, ang tanging permanente lang sa buhay ay “Constant Change” na titulo rin ng kanyang sikat na kanta.
Dagdag pa niya, hindi niya akalain na maghi-hit ang “Christmas In Our Hearts,” “I never expected it. In fact, at that time, when I first presented the song to the media, to the radio stations, some of them said, ‘It’s like a Christian song so maybe radio will not play it because it’s a Christian song.”
Sa edad na 73, taglay pa rin ng veteran singer-composer ang ginintuan at napakalamig na timbre ng boses na nakaka-relax.
Nagpasampol siyempre sa members ng entertainment press si JMC ng ilan niyang classic hits, kabilang na ang “Christmas In Our Hearts” at “Please Be Careful With My Heart” ka-duet pa ang magiging special guest niya sa “Going Home To Christmas” na si Rita Daniela. Nakikanta rin ang press sa kanila kaya feel na feel talaga ng lahat ang vibes ng Pasko.
Ang “Going Home To Christmas” ay magaganap na sa Dec. 22, 8 p.m. sa The Theater, Solaire Resorts & Casino. This is produced by Dra. Rhoda Espino, ang may-ari ng Metro Esthetico & Wellness Center in cooperation with Star Media Entertainment.
Bukod kay Rita Daniela, yayayain din daw ni JMC ang isa sa mga apo niya na mag-duet sila sa kanyang Christmas concert. Para sa ticket, tumawag lang sa Ticketworld sa (02) 891-9999.
Samantala, feeling lucky naman si Rita na siya ang napili ng producer ng pagbabalik ni JMC sa concert stage. Sa presscon nga ay kitang-kita ang excitement sa Kapuso singer-actress lalo na nang tawagin siya ng OPM icon para kantahin nila ang “Please Be Careful With My Heart” at “Christmas In Our Hearts.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.