Teejay Cruz buong tapang na hinarap ang sakit na cancer | Bandera

Teejay Cruz buong tapang na hinarap ang sakit na cancer

Cristy Fermin - November 24, 2018 - 12:35 AM

LYN, DJANIN, TIRSO, BODIE AT TEEJAY CRUZ

Hindi namin nakakayang ilarawan ang sakit na dulot ng pagkawala ni Teejay Cruz sa kanyang pamilya.

Kuyog kung tawagin namin sina Tirso, Lyn, Teejay, Bodie at Djanin.

Palagi kasi silang magkakasama, sa mga okasyong dinadaluhan nila ay hindi puwedeng sina Pip at Lyn lang at isa o dalawang anak nila ang nandu’n, kumpleto talaga sila.

Paano makasusulong nang maaga sa pagkawala ni Teejay ang pamilya? Sabi nga namin, ang pagkawala ng kahit sinong mahal sa buhay ay isang sugat na walang paggaling, patuloy na magnanaknak habampanahon.

Napakaagang pumanaw ni Teejay, 37 lang ang panganay nina Pip at Lyn, itinago nila ang pinagdadaanang proseso ng gamutan ni Teejay sa loob nang mahigit na kalahating taon.

Pero bilang mga Kristiyano ay nauunawaan ng pamilya ang maagang pag-alis ni Teejay. Aminado si Lyn na masakit, pero ipinahiram lang sa kanila si Teejay ng Panginoon, tatlumpu’t pitong taon ng mga alaala ang kipkip ngayon ng pamilya.

Saludo sina Pip at Lyn sa kanilang panganay dahil buong-tapang na hinarap ni Teejay ang kanyang karamdaman. Hindi na sila pinahirapan pa ni Teejay, lagi niyang sinasabi na okey lang siya, pero bilang na bilang na pala ang kanyang panahon sa mundo.

Muli, ang tapos-puso po naming pakikiramay sa lahat ng mga iniwan ng masayahing panganay nina Pip at Lyn, sa kanyang pupuntahan ay wala nang sakit na pisikal at puro kaligayahan na lang ang kanyang kaulayaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending