Gasolinahan magsasara, dapat may benepisyo | Bandera

Gasolinahan magsasara, dapat may benepisyo

- July 10, 2013 - 07:00 AM

DEAR Atty.:
Magandang araw, Atty. Fe. Ako po ay si Monina, 36, taga-Marilao, Bulacan. Pinaupahan ko ang aking bahay subalit wala kaming pinirmahang kontrata. Siya po ay nakabayad ng one month deposit na P2,000 at one month advance na P2,000.
Sa kasalukuyan po ay may dalawang buwang water bill at Meralco na hindi niya nabayaran.
Pwede ko bang gamitin ‘yung deposit niya na P2,000 para pambayad sa mga bills niya at idemand na i-vacate na ‘yung unit dahil patitirahan ko doon sa kapatid ko. Marami pong salamat. – Monina, Marilao, Bulacan, …5119
Dear Monina:
Kung wala po kayong pinirmahan na kontrata kaya ang inyong transaction ay natatapos ng “month to month”. Samakatwid, maaari ninyo siyang abisuhan na nais na ninyo siyang paalisin lalo pa’t hindi naman pala siya nakakabayad sa oras. Opo, pwede rin ninyong gamitin ang deposito upang ipambayad sa kanyang mga bills. – Atty.

Dear Atty.:
Magandang araw, Atty. Fe. Ako po ay si Jenil, 20 at taga-Iloilo po ako.
Magtatanong sana ako kung ano ang pwede kong gawin para makuha ko ang benepisyo sa SSS ng papa ko. Limang taon na po siyang patay. Sa ngayon po may tiyahin ako na nag-process ng papers niya sa SSS. Pwede po ba yon? Salamat po. –Jenil, Iloilo, …2974

Dear Jenil:
Magdala ka ng government-issued ID sa SSS at isumite ang death certificate ng inyong ama. Ikaw ang beneficiary ng inyong ama at hindi ang inyong tiyahin kaya ikaw ang dapat mag-ayos ng kanyang mga papeles. – Atty.
Dear Atty.:
Ako po si Jhonny, 42, ng General Santos City. Hihingi lang po ako ng advice kasi magsasara na ang pinapasukan kong gasolinahan. Five years po akong pumpboy doon. Sa katapusan ay magko-close na po ito pero wala namang kibo ang may-ari sa kung anong gagawin sa amin. Ano pong dapat kong gawin? – Jhonny, General Santos City, …1786

Dear Jhonny:
Tiyakin ninyo na kayo ay merong SSS benefits. Sumangguni sa pinakamalapit na opisina o tanggapan ng SSS. Kung magsasara ang gasolinahan na inyong pinapasukan, kayo ay dapat makatanggap ng one-month salary for every year of service.
Dahil five years ka na kayo sa serbisyo, equivalent ito ng five-month salary. Kung hindi kayo babayaran, magsampa ng demanda sa National Labor Relations Commission. – Atty.
Editor: Meron ba kayong nais na idulog kay Atty. na problemang legal? O may komento o reaksyon kayo? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending