Horror movie ni Nadine nakatengga pa rin

NADINE LUSTRE

TENGGA muna sa ngayon ang horror movie ni Nadine Lustre na “The Nurse.” Project ito ni direk Jun Lana at nagkaroon pa ng ocular sa Japan para sa location ng pelikula.

Tinanong namin si direk Jun tungkol sa movie nang magkita kami sa Club Filipino nitong nakaraang araw. Ang tanging sagot niya sa amin, “Wala pa.”

Sa ngayon, dalawang movies ang sabay na ginagawa ni Nadine kaya malabo na ngang maisingit pa niya ito.

Eh, sa meeting na ‘yon, kasama niya si direk Perci Intalan. May offer sa kanila si Mother Lily Monteverde na mag-produce ng 10 movies para sa Regal, huh!

Isa sa ginawa ng Idea First Company nina Jun at Perci ay ang much-acclaimed at blockbuster na “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros.

Read more...