In fairness, tandang-tanda pa ni Sharon Cuneta ang date kung kailan niya sinagot ang ex-boyfriend na si Richard Gomez. Naging official silang magkarelasyon noong Oct. 11, 1989.
Ibinandera ito ni Mega sa presscon ng “Three Words To Forever” kung saan inamin din niya na anim na taon tumagal ang kanilang love story contrary sa report na isang taon lang sila, at pareho raw silang 23 years old noon.
Chika ni Mega, “Five or six. On and off. Mostly on. Pero lahat ng… nagtaasan kami ng boses siguro twice lang or thrice. Napakabait ko kasi. Ha-hahaha! No, really, because he’s a good person to begin with.
Mapapatawad mo. Mapapatawad mo kasi sobra naman niya akong mahalin.”
Hirit pa niya, “’Tapos, lahat ay natiis ko sa kanya. Pero di ko titiisin kahit kalahati nu’n sa kung sino mang nauna sa kanya or sinuman after, hindi ko natiis yun, sa kanya lang. That’s why malalim ang pinagsamahan namin.”