Grab kinondena sa hindi pagsagot sa gastusin ng naaksidenteng pasahero

KINONDENA ni PBA Rep. Koko Nograles ang Grab Philippines na tumanggi na akuin ang responsibilidad sa isang aksidente na kinasasangkutan ng isa sa mga accredited na sasakyan nito.

Ang pasaherong si Marko de Guzman, 20, mechanical engineering student ng University of Santo Tomas, ay nasa kritikal na kalagayan matapos na matusok ng bakal ang kanyang ulo.

“Grab as a common carrier has a legal duty of extraordinary responsibility over the passengers. They are presumed to be at fault for the negligence that led to serious personal injury on the UST student,” ani Nograles.

Sinabi ni Nograles na habang nagkakamali ng malaking kita ang Grab inaalis naman nito ang responsibilidad sa kanilang sarili sa mga aksidente.

“This is the result of greed. Grab makes millions in a day and would rather fatten their bank accounts than look after the welfare of Filipinos. How can our regulators allow irresponsible operators violate civil and transportation laws?” ani Nograles.

Inakusahan ni Nograles ang Grab Philippines na 100 percent owned ng mga dayuhan kaya iligal ito sa ilalim ng Konstitusyon. “You cannot expect malasakit from foreigners like Grab.”

Nabangga ang sinasakyang Grab car ni de Guzman sa scaffolding at poste sa Taft Ave., dahil inaatok umano ang driver nito. 

“This is not an isolated incident. There are many others. There will be more. The main reason is, drivers working themselves to death  to reach their quota thereby endangering their own lives, lives of passengers, and lives of  the general public.”

Read more...