IPINALABAS ng Palasyo ang Memorandum Order 32 na nag-aatas sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na dagdagan ang pwersa sa Samar, Bicol, Negros Oriental at Negros Occidental sa harap naman ng mga pag-atake ng mga “lawless groups.”
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na sa mga nakaraang araw, naitala ang ilang karahasan sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region.
“There is a need to reinforce the directive of the President in order to prevent further loss of innocent lives and destruction of property and bring the whole country back to a state of complete normalcy as quick as possible,” sabi ni Medialdea sa MO 32.
Binanggit pa ni Medialdea na basehan para magdagdag ng mga sundalo at pulis sa naturang mga lugar ang Proclamation 55 kung saan idineklara ang state of national emergency dahil sa nangyaring kaguluhan sa Mindanao, partikular ang paglusob ng teroristang Maute sa Marawi.
“Further, the Department of National Defense (DND) and the Department of Interior and Local Government (DILG) shall coordinate the immediate deployment of additional forces of the AFP and PNP to supress lawless violence and act of terrori in the province of Samar, Negros Oriental, Negros Occidental and the Bicol Region and prevent such violence from spreading and escalating elsewhere in the country,” ayon pa kay Medialdea.
Hindi naman direktang binanggit ni Medialdea kung New People’s Army ang tinutukoy na lawless elements sa mga binanggit na lugar, bagamat kilalang pinamumugaran ang mga ito ng NPA. (Bella Cariaso)