'Pag walang trak, walang trapik | Bandera

‘Pag walang trak, walang trapik

Ira Panganiban - November 23, 2018 - 12:15 AM

NITONG nakaraang Lunes at Martes ay nagsagawa ng “truck holiday” ang asosasyon ng mga truckers sa bansa.

Ito ay bunga ng kanilang reklamo na patuloy na ginugulo ng mga otoridad sa mga puerto at pantalan ng Maynila ang sistema ng pagbagsak ng kargamento kung kaya’t laging ma-gulo at matagal ang proseso.

Dahil dito, ayon sa asosasyon, laging mahaba ang hintayan ng mga trak na nagdadala o sumusundo ng kargamento sa Manila North and South Harbors.

Totoo naman ito. Walang hindi nakakaalam ng trapiko ng trak sa mga pantalan ng Maynila. Singhaba ng EDSA ang mga trak na nakapila roon at madalas ay inaabot sila ng ilang araw na nakaparada dahil sa magulong sistema sa mga harbors natin.

Kaya ang “truck ho-liday” na isinagawa nila ay bilang pagpapakita na dapat ay ayusin na ang sistema sa mga pantalan sa Maynila.

Subalit ang isang naging resulta ng “truck holiday” ay isang positibong aspeto sa trapik sa Metro Manila. Dahil biglang lumuwag ang mga kalsada nang mawala ang naglalakihang trak na laging bumabaybay sa maliliit nating kalsada.

Sa mga litrato sa social media ay makikita na malaki ang iniluwag ng ating mga lansangan kung maililipat lamang o mabibigyan ng sari-ling highway ang mga trak na tumatawid sa Metro Manila.

Ito ay dahil lahat ng kargamento na kaila-ngan dalhin mula northern and southern Luzon at pabalik ay kailangan dumaan sa Metro Manila. Imbudo ang Metro Manila sa flow of goods ika nga.

Kailangan na ang bagong solusyon para rito at ang mas tamang paraan ay ang isang comprehensive train system.

Sa tren, mas madaming naikakargang kargamento sa minsanang biyahe. Hindi na ito kailangan dumaan sa lansangan dahil may sariling riles ito. Maaari na rin direktang ibaba mula barko papuntang bagon ng tren ang mga cargos imbes na pipilahan pa ng mga trak.

Sa madaling salita, mas efficient ang train system sa pagpapadala ng goods mula puerto papuntang destinasyon nito.

Ito ang Isa sa mga nakikita nating solusyon sa lumalalang trapik sa ating mga urban centers. At kung magagawan natin na pagandahin ang ating train network system, mabibigyan din natin ng solusyon ang mass transport problem natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

qqq
Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending