Kris Bernal kinakarir ang pagsasalita at kilos ng mga adik

KRIS BERNAL

Dibdiban ang preparasyon ni Kris Bernal sa role niya bilang adik at pusher ng droga sa bago niyang movie na “Kontradiksyon.”

Todo ang panonood ni Kris ng documentaries para malaman kung paano mag-isip at magsalita ang taong gumon sa droga.

Eh, kilala ang bida ng Asawa Ko, Karibal Ko bilang isang clean-living na tao kaya siguradong challenge para sa kanya ang character na gagampanan.

Buti na lang, sa Kapuso afternoon drama series niya ay effortless na ang umiyak at makipagbangayan sa napakahusay na kontrabidang si Thea Tolentino, huh!

Read more...